“Rise Philippines!” ang battle cry ni Idol Robin sa kaniyang pakikiisa sa Philippine Rise Commemoration 2018, kasama ang ilang pinuno ng ating gobyerno.
Para kay Robin, importanteng maihayag at ma-secure natin ang ating pag mamay-ari sa Philippine Rise (kilala dati sa ngalang Benham Rise).
“Philippine Rise is Food security.. relax muna tayo sa territory dispute tandaan mahirap magutom ang 100 milyon higit na Pilipino,” ang kumento ni Robin sa kanyang @robinhoodpadilla Instagram account.
Dagdag pa niya na kailangan nating unahing atupagin ang Philippine Rise, kaysa dun sa kontrobersyal na West Philippine Sea (Spratlys, Scarborough Shoal) sapagkat dito wala tayong kaagaw.
“Walang pinagkaiba yan sa gusto mong magtanim kaagad pero yun lupa mo sa kanan mo ay mataba nga ngunit may mga kaagaw ka naman kaya nagiging masukal ito dahilan para maging mahirap ang source ng tubig. yun lupa mo naman sa kaliwa ay mataba rin ngunit wala kang kaagaw kaya nagiging Patag ito dahilan para makita ang bukal na tubig…Ano kaya sa dalawa ang una mong pag aksayan ng lakas, pagod, kayamanann at buhay mo yun bang trouble ang pipiliin mo ? o yun swabe na sa umpisa pa lang?”
Tularan natin si Idol Robin sa pagiging makabayan! Makiisa tayo at patuloy na isulong ang pambansang interes!
#idolngbayan #lodi #tolngbayan #pinoy #idol #robinpadilla #robinpadillaglobal #philippinerise
Leave a Reply